Thursday, February 20, 2014

RODALIZE SANTIAGO

        
                                    Ang Sibilisasyong Byzantine 

 I. Heograpiya
    Ang Byzantine ay sanga ng simbahang Romano sa silangan. Itinatag ni Emperador Constantine ng Rome ang Constantinople, kabisera ng simbahan sa silangan. Nang bumagsak ang Imperyo ng Rome sa kanluran dahil sa pagsalakay ng mga barbaro nanatili ang Imperyo ng Byzantine. Sa pagdaraanan ng mga siglo nagkaroon ng kakaibang katangian ang Byzantine. 




II. Pamayanan 

a. Pamahalaan


  • Ang pamahalaang byzantine, ang emperador ang lubos na pinuno ng pamahalaan. Siya ang gumagawa ng batas at nagpapatupad nito. Nangingibabaw ang kanyang kapangyarihan sa simbahan. Siya ang humirang ng Patriarch ng constantinople ng tumayong pinuno ng simbahan.

b. Hanapbuhay 


  • Ang Kanilang Hanapbuhay ay pangangalakal at pagsasaka.


c. Ekonomiya

  • Ang mga produkto sa iba't ibang lugar na dumagsa sa pamilihan ng Constantinople ay pinangasiwaan ng pamahalaan upang makalihom ng buwis.

d. Kultura

  • Ang mga nakasanayan ng Byzantine ay ang Pagpapatayo ng simbahan Kagaya ng Simbahan ng Santa Sophia sa Turkey. Nadidiisenyuhan ito ng mga mural, mosaic at mga pigurang inukit. 
Hagia Sophia Church



e. Relihiyon 

  • Ang imperyo ang tagapagtaguyod ng kristiyanismo. Tinawag ang kanilang relihiyon na Eastern Orthodox Church na pinamumunuan ng isang patriarka. 


d. Paniniwala

  • Ang Patriyarka ng Constantinople ang tinitingalang kinatawan ng Simbahan at tinuturing na opisyales ng pamahalaan.





III. Ambag sa kasaysayan 


a. Edukasyon 

  • Ang imperyong byzantine ay nagsilbing sentro ng edukasyon. Ang mga tao rito ay tinuruang bumasa at sumulat sa klasikong wikang griyego na siyang ginamit ng  pamahalaan sa mga opisyal.

b. Medisina 

---


c. Ekonomiya 

  • Naging sentro ng masaganang kalakalan dahil sa lokasyon sa pagitan ng Asia at Europe. 


d. Sining

  • Tanyag ang sining g Byzantine sa paggamit ng kulay at onamentasyon. Sa pamilihan ng Constantinople, ang mga artista at mangangalakal at nagbebenta ng mga tapestriyang nabuburdahan ng ginto, inukit  na Ivory at mga alahas na yari sa bronze at pilak. At ang paggamit ng Mosaic na kung saan pinag dikit dikit na pira pirasong shell o luwad.

e. Agham 

  • Isinulong ng mga iskolar na Byzantine kung saan sila naging dalubhasa sa pagpapaunlad ng mga agham Arabe at Persico lalo na sa astronomiya at matematika.


 f. Pamahalaan

  • Sa simula ng pamumuno ni Emperador Justinian mayroon siyang Kodigo na tinawag na Corpus Juris Civilis( Code Civil Law) o kodigo ni Justinian. Ito ay ang Kodigo kung saan nakataatas dito ang mga Batas Romano. 


Mga Pamana o Naiambag Ng Sibilisasyong Byzantine ;
  • Eastern Orthodox Church
  • Mural
  • Mosaic 
  • Arkitektura-Simbahan ng Santa Sophia sa Turkey 
  • Kodigo ni Justinian 




Bakit ko napili itong Sibilisasyong Byzantine ? 

  • Napili ko ito Dahil nakapagbigay sila ng sapat na panahon upang mapanatili ang imperyo sa Silangan upang muling umusbong at malinang ang kabihasnang kanluranin. At pinangalagaan nila ang mga pamana ng Rome. At mayroon silang mahusay na tagapagbatas. At mayroong silang sentralisadong pamahalaan at mahusay na lakas militar.